Panalangin para sa kanonisasyon
Ang panalangin ay nakatuon sa Diyos. Hinihiling ng panalangin sa Diyos na ang Kaso ni Darwin Ramos ay humantong sa kanyang beatipikasyon at kanonisasyon.
Hinihiling din ng panalangin ang pamamagitan ni Darwin upang makatanggap ng grasya tulad ng isang milagro o kagalingan (pisikal, sikolohikal o espirituwal).
PANALANGIN PARA SA GRASYA O HIMALA SA PAMAMAGITAN NG LINGKOD NG DIYOS DARWIN RAMOS
Ibinigay ng Obispo ng Cubao, Mgr. Honesto F. Ongtioco ang imprimatur sa panalangin Ito noong ika-22 ng Nobyembre 2018.
Maaaring I-download ang panalangin para sa beatipikasyon sa pagpapalaganap nito sa pamamagitan ng WEB file o I-print Ito sa pamamagitan ng FAB file sa bleeds at crop marks:
Pagpapadala ng kahilingan ng panalangin
Kung nais ninyong magpadala ng kahilingan ng panalangin sa pamamagitan ng Lingkod ng Diyos na si Darwin Ramos, maaari ninyong kumpletuhin ang Contact Form. Maaari ring hindi kayo magpakilala.
Ang inyong kahilingan ng panalangin ay ipapaubaya at dadasalin ng Dominican nuns, Monastery of Our Lady of the Rosary (Cainta, Rizal, Philippines).
Ang postulator, si P. Thomas de Gabory, OP, ay nagmimisa tuwing unang araw ng bawa’t buwan para sa kahilingan ng mga benefactor sa kaso ni Darwin Ramos at para rin sa inyong sariling kahilingan.
Pagbabahagi ng grasyang natanggap
Tinatawag na grasya ang kahilingang natanggap sa Diyos. Ang grasya ay makikita sa iba’t ibang anyo: isang himala, isang paggaling (pisikal. Sikolohikal, espirituwal), tulong na natanggap sa panahon ng kawalan, konsolasyon sa panahon ng matinding pagsubok, kapayapaan sa pagdarasal, kagalakan o pag-ibig sa panahon ng karamdaman, etc.
Ang mga grasyang ito ay hindi dapat maging pansarili kundi dapat ibahagi sa nakararami para sa kanilang kapakinabangan, sa ikabubuti ng komunidad at sa pagsulong sa kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon ni Darwin.
Mayroon ba kayong kahilingang natanggap sa pamamagitan ni Darwin Ramos? Huwag mag-atubiling ipaalam ito sa amin. Kailangan namin ang inyong pagpapatotoo. Maaari lang kumpletuhin ang Form sa ibaba:
Maraming grupo ng nananalangin ang binubuo at mga novena ang binibigkas sa mga espesyal na okasyon. Tunay na makapangyarihan ang pamamagitan ni Darwin Ramos. Maraming nagpapatotoo sa mga kahilingang kanilang natanggap sa pamamagitan ni Darwin Ramos.
Ang sumusunod ay ilang halimbawa:
One sunday nagsimba po ako sa our lady of fatima church dito sa cordillera and then i heard about the petition for darwin being a saint.. and then starting of this month, sobrang dami naming pinagdadaanan ng sister ko, so everytime i prayed, i always pray to darwin to help us and enlighten us.. and after this week matapos, we received good news and unti unti nang natatapos ang mga problema namin.. and im so thankful kasi i know our good Lord bless us with the help of darwin.. yun lang po.. maraming salamat po..
Sumusulat ako ngayon bilang pasasalamat sa kabutihan ng Diyos sa aking mahal na si Darwin Ramos. Ngayong umaga nang alas 430, Linggo ng Muling Pagkabuhay, ika-1 ng Abril 2018, napakasama ng aking pakiramdam. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maihakbang ang aking mga binti. Gusto kong magpunta sa CR upang magsuka ngunit hindi ako makalakad. Ngunit pinilit ko ang aking sarili. Pawis na pawis ako at tagaktak ang malamig na pawis sa aking buong katawan. Pinilit kong magpunta sa CR kahit napakahirap. Akala ko katapusan ko na at isinuko ko na ang aking sarili sa Diyos. Nakarating ako sa CR at nagsuka nang kaunti. Gusto ko sanang sumigaw para ako saklolohan ng mga madre ngunit minabuti kong humiling ng panalangin ni Darwin upang hilingin sa Diyos na ako’y gumaling at mabuhay pa nang kaunti pang panahon. “Darwin, tulungan mo ako. Ang buhay mo’y walang bahid. Inalay mo ang iyong paghihirap sa Diyos nang buong pagmamahal at dahil sa pag-ibig mo sa Kanya. Ang buhay mo ay sadyang para sa Kanya lamang. Diringgin Niya ang iyong panalangin.” Pagkatapos, pinilit ko ang aking sariling maglakad sa kumbento habang nanananalangin kay Darwin. Nang alas 6 ng umaga, bumuti na ang aking pakiramdam. Ito ang dahilan ng aking pagsulat.
Ang kaisa-isang anak na lalaki ng aking kapatid na lalaki (apo ko siya, anak ng aking pamangkin) ay naaksidente 2 linggo na ang nakaraan. Lahat kami’y balisa sapagkat ang kanyang ulo ang naapektuhan, kasama na ang kanyang mga mata. Sinabi ng doktor na wala na silang magagawa sa panahon iyon…Sinabi ko sa aking pamangking babae na manalangin kay Darwin…sa madaling sabi, natanggap ko ang magandang balita ngayong umaga na bumubuti na siya.