May 3 kulay ang logo ng Darwin Ramos Association:
- Puti ang background: puti ang kulay ng kawalang-malay, ng kadalisayan at kalinisang-puri na nagpapaalala sa atin ng tunay na kaganapan at ng pagkaugnay sa Divine. Isinabuhay ni Darwin ang kapurihan ng pagkabata at chastity. Malalim at matindi ang ugnayan niya sa Diyos.
- Ito ang kulay ng ginamit sa disenyo ng kanyang mukha. Pinaaalala sa atin ng kulay na ito na sumailalim si Darwin ng pagsubok sa kanyang pagkakasakit hanggang sa kanyang kamatayan. Kinalungkot niya na hindi niya naranasan ang kasiyahan tulad ng mga batang walang problema. Itim din ang kulay ng dumi sa katawan ng mga batang kalye ng Maynila. Inuugnay din ang kulay na itim ang pagiging simple dahil siya’y isang mahirap at maliit na tao sa kuwento ng kanyang buhay na siya ring nagtuturo sa atin ng isang simpleng kabanalan.
- Dilaw: walang ibang kulay ang hihigit sa dilaw na nagpapakita ng kaligayahan. Ito ang kulay ng kaligayahan sapagkat si Darwin ang “master” ng kaligayahan. Sa kanyang karamdaman, hindi kailan man niya hiniwalay ang sarili sa mga taong kasama niya. Sa kabaliktaran, nanatiling bukas ang puso ni Darwin sa Iba. Kaibigan siya ng lahat, ang pagkakaibigang binibigay at tinatanggap niya sa mga tao ay umaabot sa pag-ibig niya sa Diyos.
May 4 na elements ang logo ng Darwin Ramos Association:
- Ang batang anyo nii Darwin, kahawig ng drawing sa komiks, ay mukha ng isang nagbibinata. Mapapansin ang kanyang malalim na pagtingin at ang kanyang pagngiti na nagpapakita ng kaligayahan. Meron siyang bigote, na nagpapaalala sa atin na namatay si Darwin nang siya ay teenager, sa edad na 17.
- Ang araw sa bandila ng Pilipinas ay nagpapahiwatig ng bansang pinagmulan ni Darwin. Sumisimbolo din ng araw si Jesus, ang Araw ng Hustisya. Ang araw ay nagpapaalala rin sa atin sa monstrance na siyang kinalalagyan ng Katawan ni Kristo at ang mga sinag ng grasyang natatanggap sa Eucharistic Adoration. Sa ilalim nito maiisip natin ang krus ni Kristo. Ang araw ay nasa gitna ng pangalan at apelyido ni Darwin sapagkat si Kristo at ang krus ay nasa gitna ng buhay at puso ni Darwin.
- “Darwin Ramos” ang pagkasulat sa pangalan ay hawig sa paraan ng pagsulat ng isang bata na siyang nagpapaalala sa atin na kahit may sakit na si Darwin, nakakasulat pa rin siya. Ilang oras bago siya namatay, iniwan niya ang kanyang pamana – ang buod ng kanyang buhay. Bakas ang hirap ng pagsulat na ginawa habang naka intubate siya sa ospital: “Maraming salamat. Masayang-masaya ako,” Ang kanyang buhay ay ganap na ligaya at pasasalamat.
- “the Filipino master of Joy”: ang mga salita ay nasa wikang Inggles sapagkat sa Pilipinas, maraming nagsasalita ng Inggles. Ang salitang “master” ay nagsisimula sa maliit na letra sapagkat si Jesus lang ang tunay na Master. Ang salitang “Joy” ay nagsisimulla sa malaking letra sapagkat lumalahok si Darwin sa kaligayahan ni Kristo.