Si Darwin Ramos ay isang batang kalye. Mahirap siya at isang bayani ng Kagalakan
Kapanganakan
Si Darwin Ramos ay ipinanganak noong ika-17 ng Disyembre 1994 sa Donya Marta Maternity Hospital sa Pasay City. Sa simula ng kanyang kabataan, nangungupahan ang kanyang pamilya sa barung-barong sa Pasay. Pangalawa siya sa siyam na magkakapatid ng isang mahirap na pamilya. Nabubuhay sila sa paglalabada ng kanilang ina; ang kanilang ama ay walang trabaho at mahilig sa alak. Nangangalakal si Darwin kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Marimar upang makatulong buhayin ang pamilya. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakapag-aral.
Simula ng pagkakasakit
Anim na taong gulang si Darwin nang unang mapansin ang kanyang sakit na atropiya ng kalamnan (Duchenne myopathy). Nagsimula ito sa panghihina ng kanyang binti. Napansin ng kanyang ina ang mandalas niyang pagtumba. Di kalaunan, hindi na makatayo si Darwin at tuluyan na siyang nanghina.
Kapanganakan
Si Darwin Ramos ay ipinanganak noong ika-17 ng Disyembre 1994 sa Donya Marta Maternity Hospital sa Pasay City. Sa simula ng kanyang kabataan, nangungupahan ang kanyang pamilya sa barung-barong sa Pasay. Pangalawa siya sa siyam na magkakapatid ng isang mahirap na pamilya. Nabubuhay sila sa paglalabada ng kanilang ina; ang kanilang ama ay walang trabaho at mahilig sa alak. Nangangalakal si Darwin kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Marimar upang makatulong buhayin ang pamilya. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakapag-aral.
Libertad station kung saan iniiwan si Darwin ng kanyang ama tuwing umaga upang mamalimos
Pagtanggap kay Darwin sa Tulay ng Kabataan Foundation
Noong 2006, isang grupo ng guro ng Tulay ng Kabataan (isang pundasyong tumutulong sa mga batang kalye sa Maynila) ang nakapansin kay Darwin sa Libertad station. Inanyayahan nila ito na manirahan sa bahay ng pundasyon kasama ng mga batang may kapansanan. Sa panahong Iyon, hindi na makalakad si Darwin pero nagagamit pa niya ang kanyang mga braso at nakakaupo pa siyang mag-isa.
Sa kabila ng kanyang sakit, nagbigay si Darwin ng ginhawa at naging gabay ng mga nagdurusa
Buhay espirituwal
Puspos ng presensya ng Diyos si Darwin. Walang may alam paano ito nangyari sapagkat hindi naman siya tinuruan ng kanyang pamilya. Nahanap ni Darwin ang pananampalatayang Katoliko sa Tulay ng Kabataan. Bininyagan siya noong ika-23 ng Disyembre 2006 sa Our Lady of Edsa Sanctuary, kilala ngayong Edsa Shrine kung saan nangyari ang Edsa revolution noong 1986. Pagkaraan ng isang taon, tInanggap niya ang unang komunyon at kinumpilan siya ni Msgr. Broderick Pabillo, auxiliary bishop ng archdiosesis ng Maynila.
Malalim ang buhay pananampalataya ni Darwin Ang ugnayan ni Darwin kay Kristo ay malapit at malalim
Ang Misyon
Madalas mahirapan si Darwin sa paghinga na sanhi ng kanyang pagkaospital. Napansin ng kanyang mga kasama sa pundasyon pati na rin ng ibang bata kung paano tinanggap ni Darwin ang kanyang sakit. Palagi niyang sinasambit ang “Salamat” (pagpapasalamat) at “Mahal kita” (mapagbigay na pagmamahal). Hindi siya nagrereklamo at laging nakangiti kahit siya’y hirap na hirap. Pinapagaan niya ang kalooban ng mga bata sa pundasyon na nagkakaroon din ng sarili nilang problema at hirap. Kapag pinaguusapan niya ang kanyang sakit, di niya ito tinutukoy bilang panghihina ng kalamnan kundi isang misyon. “Hindi niya sinasabing siya’y may sakit kundi siya’y may misyon na ibinigay sa kanya ni Kristo. Sa buong buhay niya ang sinasabi lang niya ay ‘Salamat’ at ‘Mahal kita’” (wika ng isang nakarinig).
Nakasanayan niyang mag-alay ng kanyang sakit. Isang araw, sinabi niya sa pari sa pundasyon, “Alam niyo, Father, naniniwala akong gusto ni Jesus na hindi ako bibitiw hanggang sa huling sandali, tulad niya.” Naging malalim ang ugnayan ni Darwin kay Kristo. Araw-araw nagdarasal ang batang ito at pinagkakatiwala niya ang kanyang sarili kay Jesus. Isang tagapangalaga sa pundasyon ang nagsabi: “Isang araw na may lagnat si Darwin, pinilit niyang magpatulong bumangon upang makasali siya sa panggabing panalangin. Si Jesus bago sa lahat.” Naliwanagan ng malapit na ugnayan ni Darwin kay Kristo ang kanyang buhay.
lang linggo bago siyanamatay, matinding paghihirap ang naranasan ni Darwin ngunit ang kanyang ngiti ay nakakabighani at nakakahawa
Ang Semana Santa ni Darwin
Linggo, ika-16 ng Setyembre 2012 – Hirap huminga si Darwin. Pinasya ng nurse sa pundasyon na dalhin si Darwin sa PCMC (Philippine Children’s Medical Center). Nang dumating ang pari ng pundasyon sa tabi ni Darwin, nagpaumanhin sa kanya si Darwin na siya ang dahilan ng pagkabahala ng pari. Kahit hirap magsalita, sabi niya: “Father, maraming salamat po sa lahat.” Nang sumunod na araw, na-intubate (pinasukan ng tubo sa kanyang lalamunan) si Darwin. Hindi na niya kayang magsalita ngunit mababasa pa rin sa kanyang labi kung ano ang gusto niyang sabihin. May kakayahan pa rin siyang magsulat sa notebook. Ganito nagsimula ang Semana Santa ni Darwin, tulad ng pagpapakasakit kay Kristo.
Huwebes, nagkaroon ng labang espirituwal si Darwin.
- Darwin: Kailangan kong magdasal.
- Pari: Tama ka, Darwin. Pero bakit mo kailangang magdasal?
- Darwin: Sapagkat mayroon akong kalaban.
- Pari: Linalabanan mo ba ang sakit mo?
- Darwin: Linalabanan ko ang demonyo.
Tinanggap ni Darwin ang Pagpahid ng Langis ng Maysakit.
Biyernes, mapayapa ang hitsura ni Darwin at nakangiti. Kahit hirap, sinulat niya ang dalawang huling pangungusap sa isang notebook: “Maraming salamat po” at “Masayang-masaya ako” tanda ng pagwawagi niya sa labanan. Iyan ang kuwento ng buhay ni Darwin, isang pagpapatotoong espirituwal sapagkat ang buhay niya ay Ligaya at Pasasalamat. Dahil sa kanyang malalim na pakikiisa sa Panginoon sa kanyang paghihirap, kabahagi siya sa Ligaya ng tagumpay.
Huling mensahe na sinulat ni Darwin Ramos nang malaman niyang malapit na siyang mamatay “Maraming salamat po. Masayang-masaya ako.”
Sabado, nasa lubos na katahimikan si Darwin ngunit alam niya ang mga nangyayari sa paligid niya.
Linggo, namatay si Darwin noong ika-23 ng Setyembre 2012 sa isang ospital (sa diosesis ng Cubao) alas 530 ng umaga, sa pagsikat ng araw, sa oras ng muling pagkabuhay ni Kristo.
Lamay sa pundasyon
Lahat ng bata ay naroroon sa lamay Puti ang kulay sa libing ni Darwin Ramos
Ang Libing
Ang Misa ng libing ay ginanap sa simbahang puno ng mga batang naka-puti mula sa pundasyon. Inilibing si Darwin sa sementeryo ng Pasay City kung saan nagpupunta pa rin ang mga tao upang makiramay at humiling ng kanyang pamamagitan.
Maraming tao pa rin ang dumadalaw sa puntod ni Darwin Ramos upang humiling ng biyaya sa kanyang pamamagitan
Ang puntod ni Darwin Ramos ay nasa sementeryo ng Pasay City