Ito an official site ng Darwin Ramos Association. Ang association ay itinatag sa ilalim ng Batas ng Pransya (ika-1 Hulyo 1901). Ang misyon ng Darwin Ramos Association ay upang ipabatid ang tungkol sa buhay ng Lingkod ng Diyos na si Darwin Ramos at mangalap ng pondo para sa kanyang kaso ng kanonisasyon.
Ang Darwin Ramos Association ang pangunahing gumaganap sa kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon ng Lingkod ng Diyos na si Darwin Ramos. Ito ay nagpapausad sa kaso sa pagsisiyasat patungkol sa kahanga-hangang katangian ng Lingkod ng Diyos na si Darwin Ramos. Ang association din ang may pananagutang moral at pinansyal. Ang association din ang nagtalaga ng postulator.
Bakit Pranses ang association at ang kahilingan sa pagbubukas ng kaso sa kanonisasyon naman ay sa Pilipinas?
Hindi naglaon pagkatapos pumanaw si Darwin Ramos, may dalawang talambuhay ni Darwin Ramos ay nalathala sa Pransya. Isa rito ay sinulat ni P. Matthieu Dauchez (Plus fort que les ténèbres [Stronger than Darkness], Paris, Artège éditions, 2015) at ang ikalawa naman ay sinulat ni P. Daniel-Ange (Prophètes de la beauté [Prophets of Beauty], Montrouge, éditions du Jubilé, 2016). Sa pamamagitan ng mga aklat na Ito, nakilala ang kabanalan ni Darwin sa Pransya. Natural lang na sa Pransya nagsimula at lumaganap ang kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon ni Darwin Ramos.
Ayon sa batas ng Simbahang Katolika, ang kahilingang simulan ang kaso ay dapat gawin sa lugar kung saan pumanaw ang Lingkod ng Diyos. Namatay si Darwin Ramos sa Quezon City kaya ang kahilingan na simulan ang kaso ay ginawa sa Diosesis ng Cubao.
Paano maging miyembro ng Darwin Ramos Association?
- Ang mga miyembrong aktibo ay nagbibigay ng 500 Pesos bilang kontribusyon bawat taon
- Ang mga miyembrong honorary ang mga taong naglilingkod sa association sa natatanging paraan. Wala silang kontribusyong pinansyal.
- Ang mga benefactor ay nagbibigay ng pangunang kontribusyon na 3000 Pesos at taunang kontribusyon na 500 Pesos. Ang halagang ito ay tinatakda sa taunang pagpupulong.
Kung nais ninyong malaman ang pag-usad ng kaso sa beatipikasyon at kanonisasyon ni Darwin Ramos o kung nais ninyong mag-ukol ng panahon sa association, mangyaring isulat ang inyong pangalan at contact number sa “Contact” at maaasahan ninyong makikipag-ugnayan kami sa Inyo sa madaling panahon.