Kaso sa kanonisasyon
Ang kaso ng kanonisasyon ng Lingkod ng Diyos na si Darwin Ramos ay sinimulan sa diosesis ng Cubao noong Agosto 28, 2019. Ang seremonya ng pagbubukas ay pinangunahan ni Monsignor Honesto F. Ongtioco, D.D., Obispo ng Cubao.
Nasa anong bahagi na ang kaso ng kanonisasyon ni Darwin Ramos?
Mayroong dalawang mahalagang bahagi ang kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon: ang isa ay sa lebel ng diosesis at ang ikalawa sa Roma. Patungkol sa kaso ni Darwin Ramos, umuusad na ang kaso sa lebel ng diosesis.
Isang ecclesiastical tribunal ang binuo para sa pagdinig ng mga nagpapatotoo. Ang proseso sa pagkilala ng kabanalan ng buhay ni Darwin Ramos ay umuusad.
Bakit mayroong kahilingan sa beatipikasyon at kanonisasyon si Darwin Ramos?
Sa kaso ni Darwin Ramos, taglay niya ang tunay na kabanalan at isinabuhay niya ang mga mabuting katangiang tunay na Kristyano:
- Ang pagkilala sa kabanalan ay dapat maging kusa at hindi gawa -gawa lamang sa pamamagitan ng propaganda. Ito’y dapat patuloy na nangangahulugang hindi nawawala pagkamatay ng Lingkod ng Diyos kundi lumalago. Ito ‘y kinikilalang hindi nagmumula sa isang pagkabanal na artepisyal kundi isang halimbawa ng makabayaning buhay na isinaalang-alang sa Diyos at sa kapwa.
- Sa pagsasabuhay ng mga mabuting katangiang Kristyano, kasama ang mga “theological virtue” (pananampalata, pag-asa, pag-ibig), pati na ang mga “cardinal virtues” (kahinahunan, katarungan, katatagan,tapang). Ang tinatawag na “heroic virtue” (Kahanga -hangang kagalingan) ay kaugaliang ibinibigay ng Diyos na nagpapakilos sa tao sa harap ng mga sitwasyong mahirap upang matagumpayan ang mga ito nang may tapang at galak, dahil sa tulong ng grasya ng Diyos.
Ang pagkilala sa kabanalan ni Darwin Ramos ay hindi nawawala at patuloy na lumalaganap kahit siya’y sumakabilang-buhay na.
Sa Pilipinas, buhay pa ang kanyang ala-ala sa kaisipan ng marami, lalo na sa Tulay ng Kabataan Foundation. Patuloy ang pagpunta ng mga tao sa kanyang puntod sa Pasay City upang manalangin at humiling ng mga biyaya sa kanyang pamamagitan.
Sa Pransya, ilang talambuhay niya ay inilathala ilang buwan pagkalipas ng kanyang pagpanaw Ito ay nakapagpakilala kay Darwin sa mas maraming tao:
- Matthieu Dauchez, Plus fort que les ténèbres [Stronger than Darkness], Paris, Artège éditions, 2015.
- Daniel-Ange, Prophètes de la beauté [Prophets of Beauty], Montrouge, éditions du Jubilé, 2016.
Ngayon, magsisilbing halimbawa ang buhay ni Darwin Ramos sa mga kabataan, sa mga maysakit at sa mga mahihirap. Ikabubuti ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na magkaroon ng isang bagong Santo sapagkat dadalawa lang ang kanyang mga santong martir, sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.
Si Darwin Ramos ay Lingkod ng Diyos. Ang ang kahulugan ng Lingkod ng Diyos?
Ang salitang “Lingkod ng Diyos” ay ibinibigay sa isang taong may dahilan na magkaroon ng kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon at ang kasong ito ay nasimulan na. Ito ang unang hakbang sa lebel ng diosesis. Ito ay itinalaga ng isang mahalagang dokumentong galing sa “Congregation for the Causes of Saints” noong 2007 na tinatawag ng Sanctorum Mater: “Ang mga mananampalatayang Katoliko na sinimulan na ang kaso para sa beatipikasyon at kanonisasyon ay tinatawag na Lingkod ng Diyos” (art 4 §2).
Ang Roma ang may kapangyarihang magdeklara kay Darwin Ramos na Venerable, pagkatapos bilang Beato, pagkatapos mapatunayan na may himalang nangyari sa kanyang pamamagitan) at sa kahulihulihan, isang santo (Isa pang himala ang kailangang mapatunayang nangyari sa kanyang pamamagitan)
Ang karamihan ng mga dokumentong ginagamit sa kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon ay nanatiling lihim at kumpidensyal: