Ang Darwin Ramos Association, ang “petitioner” o siyang humiling ng kaso para sa beatipikasyon at kanonisasyon ng Lingkod ng Diyos na si DR, ang nagtalaga kay P. Thomas de Gabory, OP, isang paring Pranses na Dominiko, bilang “postulator” noong ika-14 ng Marso 2018. Kinumpirma ito ni Obispo Honesto F. Ongtioco ng diosesis ng Cubao noong ika-25 ng Mayo 2018 sa pamamagitan ng isang “decree”. Isang “vice-postulator” ang itinalaga ng “postulator” na sinangayunan naman ng “petitioner”.
Ano ang kahulugan ng “postulator”?
Ang postulator ay taong pisikal na siyang kumakatawan sa petitioner sa kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon ni Darwin Ramos (sa kasong ito, ang Darwin Ramos Association ang petitioner). Siya ang humahawak ng kaso sa lebel ng diosesis. Dinidipensahan niya ang interest ng kaso at nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Simbahan sa paghahanap ng katotohanan. Maaaring sabihing ang postulator ang siyang lakas ng proseso.
Itinatalaga ang postulator ng petitioner na siyang humihiling sa kaso. Ang kahilingang ito ay kinukumpirma ng naaayong na awtoridad ng Simbahan kung saan pumanaw ang Lingkod ng Diyos. Sa kasong ito, ang Obispo ng diosesis ng Cubao, sapagkat pumanaw si Darwin Ramos sa Quezon City.
Sa pagsisimula ng kaso, kailangang sumulat ng talambuhay ng Lingkod ng Diyos ang postulator kung saan binabanggit ang mga mahalagang bahagi ng kanyang buhay at ang mga mabuting katangian ng Lingkod ng Diyos. Gumagawa siya ng listanan ng mga taong maaaring magpatotoo sa kabanalan. Maaaring magdagdag pa sa bilang ng mga magpapatotoo bago magsimula ang kaso. Pagkatapos nito, maaari nang iahin ang kaso sa Obispo upang humiling ng pagbukas ng kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon.
Walang karapatang dumalo ang postulator sa mga pulong sa proseso, ngunit maaari naman niyang basahin ang mga katitikan ng proseso na nangangalap ng mga ebidnsya upang bigyan siya ng pagkakataong magtanong kung kailanganin ito.
Sa kaso ng beatipikasyon at kanonisasyon ni Darwin Ramos, nagpasya ang postulator na hindi humiling ng anumang sahod o honorarium.
Ang postulator
Si P. Thomas de Gabory, OP, ay isang paring Pranses na Dominiko mula sa Probinsya ng Toulouse. Siya’y doktorado sa teolohiya (Royal and Pontifical University of Santo Tomas, Manila), sa pilosopiya (Catholic Institute of Toulouse, France), practical philosophy (University of Paris-Est, France). Siya rin ay isang manggagamot (University of Bordeaux, France).
Kung nais ikontakt ang postulator, maaaring i-click ang “Contact”.
Ang vice-postulator
Si P. Robert T. Young ay isang paring secular na Pilipino (Batanes). Siya’y doktorado sa canon law, naninirahan sa Maynila at ang kanyang opisina ay nasa Ecclesiastical Tribunal ng arkodiosesis ng Maynila.
Kung nais ikontakt ang vice-postulator, maaaring i-click ang “Contact”.